Mayor's Message

BUWIS NG MAMAMAYAN, SERBISYO SA BAYAN

Written by Maragondon on .

ISANG BAGONG TRUCK NA PANGHAKOT NG BASURA ANG BINILI NG ATING PUNONG BAYAN REY A. RILLO UPANG ANG MAKAKALIKASANG PANGANGASIWA SA BASURA AY MAS MAPABUTI AT MAAYOS.
GALING ITO SA BUWIS NG MAMAMAYAN KAYA GAGAMITIN ITO SA PAGSESERBISYO SA BAYAN.

3RD OPTHALMIC SERVICES

Written by Maragondon on .

Nagkaroon muli ng serbisyo publiko ang inihandog ni Mayor Rey A. Rillo kasama ang Vicente Medical Group ngayong Marso 31, 2014 sa Maragondon Covered Court, Maragondon Cavite. Nagkaroon ng libreng Eye Check-up sa Maragondon Covered Court kung saan karamihan sa ating mga Senior Citizen ang nakinabang.

Ang lahat po ng nagpasuri na mangangailangan ng Cataract Surgery, Pterygium, Excision, Glaucoma Surgery at Yag Laser Capsulotomy and Iridectomy ay walang babayaran basta may philhealth. Ang operasyon po ay gaganapin sa Manila Vision Correction Center, Robinson Ermita Mla. 3rd Floor kung saan ang post operative medication at check-ups ay libre na. 

Serbisyong handog sa inyo, serbisyong ramdam ng tao.

Gallery