Mayor's Message

SERBISYONG RAMDAM NG TAO

Written by Maragondon on .

Personal na pinuntahan ni Mayor Rey A. Rillo ang mga kababayan nating may kapansanan na nabiyayaan ng wheelchairs. Kabilang sa mga nakatanggap ng wheelchair sina Gliceria Omandac(Poblacion 1A), Trinidad Diño(Bucal 4), Benita Evangelista(Bucal 4), Jerickzel Gordula(Poblacion 2A), Estelita Villanueva(Bucal 4) at Consuelo Rillo(San Miguel A). 

Lubos ang kagalakan ng ating mga kababayaan sa tulong na ibinigay ng ating Punong Bayan. Ang pondo na ginamit na pambili sa mga wheelchair ay kinuha sa Person with Disability(PWD) Program ng ating Municipal Social Welfare and Development Office.
Naging kaagapay ni Mayor Rillo sina Gng. Adelaida P. Profeta(MSWDO) at G. Vicente Villanueva(OSCA, Head) sa pamamahagi ng wheelchairs.

SUPORTA SA PWD’s

Written by Maragondon on .

Namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon ng wheelchairs, walker at crutches(saklay) sa mga kababayan nating may kapansanan kaninang umaga kaalinsabay ng Flag Raising ng munisipyo.

 

Pinangunahan nina Mayor Rey A. Rillo at G. Jorwin B. Bautista(President, Federation of Person with Disabilities-Cavite) ang pamamahagi ng mga kagamitan. Ang mga wheelchair ay binili gamit ang pondo ng munisipyo sa Person with Disability(PWD) Program. Ang walker at saklay ay ipanagkaloob naman ng Provincial Social Welfare and Development Office.

 

Kabilang sa mga nakatanggap ng wheelchair sina Gliceria Omandac(Poblacion 1A), Trinidad Diño(Bucal 4), Benita Evangelista(Bucal 4), Jerickzel Gordula(Poblacion 2A), Estelita Villanueva(Bucal 4) at Consuelo Rillo(San Miguel A). Sina Bernarda Bergunio(Bucal 4B) at Valeria Maligalig(Tulay B) ang napagkalooban ng walker. Ang dalawang saklay ay tinanggap naman nina Naome Dinglasan(San Miguel A) at Marciana Cabingan(Talipusngo).

Gallery