Mayor's Message

PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Written by Maragondon on .

Sa kagustuhan ni Mayor Rey A. Rillo na makatulong sa ating mga mag-aaral , namahagi siya ng educational assistance sa may 150 college students noong ika-29 ng Hunyo 2014. Nakatanggap ang bawat estudyante ng halagang Isang Libong Piso.

Batid ng ating Punong Bayan na hindi sapat ang nasabing halaga, ngunit umaasa siya na makakatulong ito sa munting paraan. Hinimok niya ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

DAAN PARA SA KALIGTASAN AT KAGINHAWAAN

Written by Maragondon on .

Ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon sa pangunguna ni Mayor Rey A. Rillo ay patuloy na naglalabas ng mga proyekto na karapat dapat sa lahat ng mamamayan. Isinagawa ang pagsasaayos ng Hanging Bridge saPinagsanhan B kung saan nagkaroon ng selective replacement ng wooden component at total replacement ng cyclone wire sa magkabilang gilid ng tulay. Tinatayang aabot sa Apat na Daan at Pitumpung Libong Piso(P470,000.00) ang pondong magagamit sa lubusang pagsasaayos ng tulay. Ang pondong nakalaan dito ay nagmula sa buwis ng ating mga mamamayan.

Gallery