Mayor's Message

DAAN PARA SA KALIGTASAN AT KAGINHAWAAN

Written by Maragondon on .

Sa tagal ng panahon, tila napabayaan na ang pagsasaayos ng hanging bridge sa Barangay Caingin. Ito ang nag-udyok kay Mayor Rey A. Rillo na paglaanan ng pondo ang nasabing hanging bridge. 
Matapos ang pagpapagawa ng hanging bridge sa Pinagsanhan B noong Hunyo 2014, isinunod naman ang pagsasaayos ng hanging bridge sa Caingin kung saan nagkaroon ng selective replacement ng wooden component at total replacement ng cyclone wire sa magkabilang gilid ng tulay. Umabot sa Limang Daan at Pitumpung Libong Piso(P570,000.00) ang pondong nagugol sa proyekto.

MULA MARAGONDON HANGGANG SM ROSARIO

Written by Maragondon on .

Dahil sa pagpupursige ni Mayor Rey A. Rillo, mabibigyan po ng natatanging pribelehiyo ang mga taga-Maragondon na ma-avail ang 10% discount sa regular-priced items ng SM Rosario mula September 05-10,2014. Ito po ay bilang pakikiisa ng SM Rosario sa pagdiriwang natin ng Araw ng Maragondon sa darating na ika-07 ng Setyembre 2014.
Kailangan lang po magprisinta ng ID na magpapatunay na taga Maragondon kayo at SM Advantage Card upang magamit ang nasabing discount.

Gallery