Mayor's Message

Ang masigasig na pangunguna sa Proyektong Pangkalikasan

Written by Maragondon on .

pbNoong June 26, 2015 sa barangay Sta. Mercedes Ville, personal na dinaluhan ni Mayor Rey Rillo ang programang Hands-on- ARMS (AUTONOMOUS REEF MONITORING STRUCTURE) sa karagatan at kailugan ng Maragondon. Ito ay isang paraan upang mapag aralan ang kalagayan ng ating karagatan kung marami pang mga nabubuhay na yamang dagat. Napatunayang malinis at mayaman pa ang ating mga katubigang ito na dapat ay patuloy nating alagaan at protektahan.

Ito ay dinaluhan ng mga katuwang na ahensiya tulad ng: Manila Bay Coordinating Office, Biodiversity Management Bureau, Coastal and Marine Division ng National Agency of DENR, Academe tulad ng De La Salle University, at DepED Maragondon, PGENRO at PENRO, Phil. Maritime Police, Maynilad, local na empleyado , mga residente ng Sta. Mercedes at marami pang iba gaya ng mga mangingisda. Isa rin itong Gawain ng pagsuporta sa paglilinis ng Manila Bay.

Patuloy na pagbabago sa Mabato

Written by Maragondon on .

mabatoMahaba-haba na po ang naipakongkretong barangay road sa Mabato simula nang maupo si Mayor Rey A. Rillo. Sa katunayan nakapaglaan na ng 1.3 Milyong Piso ang ating Pamahalaang Bayan ng simulan ang pagsasaayos ng daan sa nasabing barangay noong nakaraang taon. Ang Isang Milyong Piso po na natanggap natin mula sa Performance Challenge Fund ng DILG ay ginugol din natin para madugtungan ang nasimulang proyekto ni Mayor Rey sa Mabato.

Ngayong taong ito, muling naglaan ng halagang Isang Milyong Piso ang ating lokal na pamahalaan upang mas lumawak pa ang maipakongkretong daan sa Mabato. May haba po itong 228 metro at lapad na 4.5 metro. Nagmula po sa 20% Development Fund ng ating munisipyo ang pondong ginamit sa proyektong ito. Ito na po ang pang-apat sa mga proyektong imprastraktura na nailatag para sa mga kababayan natin sa Barangay Mabato bunga ng masigasig na pamumuno ng ating Punong Bayan.
Ang daan kung tatanawin natin walang katapusan, pero sa lider na may tunay na malasakit sa kanyang bayan bawat maliit na bagay may malaking kabuluhan.

Gallery