Mayor's Message

Bagong Fire Truck para sa Bagong Maragondon

Written by Maragondon on .

fireHumigit kumulang 17 taon na ang kasalukuyang ginagamit na fire truck ng Maragondon Fire Station. Malimit na po itong masira at talagang hindi sapat para serbisyuhan ang buong bayan ng Maragondon.

Noong ika-26 ng Agosto 2014, pormal na sumulat si Mayor Rey A. Rillo kay dating DILG Secretary Mar A. Roxas upang humingi ng isang bagong fire truck.

Sa ating matiyagang paghihintay at maayos na koordinasyon, napagkalooban na po tayo ng isang bagong fire truck. Mas malaki at mas naaangkop para sa mas epektibong pagresponde sa panahon ng hindi inaasahang ‘fire related incidents’.

Maraming maraming salamat sa ating presidential aspirant Mar Roxas, DILG Secretary Mel Senen-Sarmiento, Mayor Rey A. Rillo, Vice Mayor Pinboy C. Angeles, SB Members, SFO4 Nestor Calasanz at Maragondon BFP Personnel.

Sa isang bayan na tapat ang pamamahala, paniguradong tuloy-tuloy ang biyaya.

 
 

Gallery