Mayor's Message

Telebisyon para sa mga TODA

Written by Maragondon on .

tvNapagkalooban ng tig-isang colored television ang 7 tricycle association dito sa bayan ng Maragondon. Nagmula sa magandang kalooban ni Congressman Jon-Jon Ferrer ang mga nasabing telebisyon at pinangunahan naman ni Mayor Rey A. Rillo ang pamamahagi nito.

Kabilang sa mga napagkalooban ang mga sumusunod na asosasyon na kinatawan ng kanilang mga presidente:

Maragondon Bucal Tulay TODA - Benjamin Padal
Maragondon Poblacion Ternate Naic
(MAPTENA) - Crispin Gomez
Maragondon Poblacion Naic TODA - Benigno David
Pinagsanhan Ternate Maragondon
(PTMTODA) - Jaime Tagle
Layong Mabilog Talipusngo Maragondon - Guillermo Paiton
Kaputatan Maragondon(KMTODA) - Gener Salvador
Pantihan Maragondon(PMTODA) - Rafael Marjes

Magkakaroon na ng libangan ang ating mga mahal na tricycle driver habang sila ay nasa kani-kanilang terminal.

Maraming salamat kay Congressman Jon-Jon Ferrer(6th District of Cavite)at kay Mayor Rey para sa isang maagang pamasko.

Gallery