Mayor's Message

Suporta sa mga magsasaka

Written by Maragondon on .

tractorOktubre 26, 2015

Patuloy na nagbibigay biyaya si Mayor Rey Rillo sa ating mga mamamayan. Kamakailang bumili ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon ng makinarya para sa pagsasaka.;2 yunit ng Hand Tractor(Sakura) at 2 yunit ng Rice Thresher(Sakura). Ito po ay pinondohan ng halagang P481,000.00 mula sa 20% Development Fund ng munisipyo.

Ipinagkaloob ang tig-isang yunit ng Sakura Rice Thresher kina G. ROGELIO ENCARNACION (Pangulo ng SIKHAY, Brgy. Pantihan 3) at G. ANTONIO MANALO (Pangulo, Magsasaka sa Garita Association, INC(MAGARA).

Tinanggap naman nina G. MANUEL DE JESUS(PANGKAT Development Multi-Purpose Cooperative, Brgy. Pantihan 2) at G. PIO TAPANG(Bucal I Farmers’ Association) ang tig-isang yunit ng Sakura Hand Tractor.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Mario A. De Leon ang pagbabasbas sa mga makinarya.

Minabuti ni Mayor Rey na ipagkaloob ang mga nasabing makinarya sa mga nabanggit na asosasyon upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga magsasaka.
Batid po ng ating Punong Bayan na hindi ito sapat at may iba pang asosasyon na nangangailangan, ngunit iba na ang may nasimulan. Patuloy na magsusumikap si Mayor Rey upang maghatid ng tulong sa ating mga magsasaka.

“Sa lupang inyong sinasaka, kayo ay nagbubuwis. Kagalakan ko na ibalik sa inyo ang inyong pinaghirapan sa pamamagitan ng mga serbisyong katulad nito’’, wika ni Mayor Rey sa harap ng pamunuan ng mga napagkaloobang asosasyon.

 

Gallery