Ang masigasig na pangunguna sa Proyektong Pangkalikasan
Noong June 26, 2015 sa barangay Sta. Mercedes Ville, personal na dinaluhan ni Mayor Rey Rillo ang programang Hands-on- ARMS (AUTONOMOUS REEF MONITORING STRUCTURE) sa karagatan at kailugan ng Maragondon. Ito ay isang paraan upang mapag aralan ang kalagayan ng ating karagatan kung marami pang mga nabubuhay na yamang dagat. Napatunayang malinis at mayaman pa ang ating mga katubigang ito na dapat ay patuloy nating alagaan at protektahan.
Ito ay dinaluhan ng mga katuwang na ahensiya tulad ng: Manila Bay Coordinating Office, Biodiversity Management Bureau, Coastal and Marine Division ng National Agency of DENR, Academe tulad ng De La Salle University, at DepED Maragondon, PGENRO at PENRO, Phil. Maritime Police, Maynilad, local na empleyado , mga residente ng Sta. Mercedes at marami pang iba gaya ng mga mangingisda. Isa rin itong Gawain ng pagsuporta sa paglilinis ng Manila Bay.