SEASON LONG HANDS-ON VEGETABLES TRAINING IN BARANGAY LAYONG MABILOG MARAGONDON CAVITE

Ang Farmers Field School ay binuo na labing apat na araw sa isang lingo at kung saan ang mga magsasaka ay na ay nagsimula sa pag-aaral mula sa binhi, pag hahanda ng lupa, pangangalaga sa punla at halaman, paggawa ng mga organikong pataba organikong pamatay peste at pagkilala sa mga kaibigan at kaaway na kulisap. Hanggang sa pamamaraan ng pag-aani kung saan ito ay nagkaroon po ng Harvest Festival ng ginanap noong October 8, 2014 na kung saan ay nasaksihan ng marami at naging matagumpay ang Training na ito. Marami ang nakipitas kabilang na ang taga Cavite State University na sina Ma’am Lorna Matel at Mira Magcawas mga kapitan taga Provincial Agriculture Office, LGU Maragondon, SM Super Market at ilang mamimili nariyan din ang ating Vice-Mayor Ireneo C. Angeles at ang ating masipag na Mayor Reynaldo A. Rillo at marami pang iba. Kinabukasan ay tumuloy ang mga kalahok sa SM Rosario para sa pagtatapos ng 135 katao na kalahok. Ito ay 72nd Batch na natulungan ng SM Foundation at Harvest Agribusiness Inc. kung saan naging bisitang pandangal si Miss Leticia T. Diokno Regional Director, DSWD Field Office IV-A, Miss Cristy S. Angeles AVP for Livelihood & Outreach Program, SM Foundation Arsenio Toto Barcelona President of Harbest Agribusiness Corp., from Department of Agriculture RFU-IVA represented by Miss Glenda Ramos at ang ating Municipal Agriculturist Miss DIGNA GUBIO at ang ating napaka supportive na MAYOR REYNALDO A. RILLO.