Mayor's Message

DAAN PARA SA KALIGTASAN AT KAGINHAWAAN

Written by Maragondon on .

Sa tagal ng panahon, tila napabayaan na ang pagsasaayos ng hanging bridge sa Barangay Caingin. Ito ang nag-udyok kay Mayor Rey A. Rillo na paglaanan ng pondo ang nasabing hanging bridge. 
Matapos ang pagpapagawa ng hanging bridge sa Pinagsanhan B noong Hunyo 2014, isinunod naman ang pagsasaayos ng hanging bridge sa Caingin kung saan nagkaroon ng selective replacement ng wooden component at total replacement ng cyclone wire sa magkabilang gilid ng tulay. Umabot sa Limang Daan at Pitumpung Libong Piso(P570,000.00) ang pondong nagugol sa proyekto.


Isinagawa ang pagpapasinaya sa nasabing tulay kaninang 3:00 ng hapon na pinangunahan ni Rev. Fr. Illeri Buenaventura. Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan, Kon. Omel Manalo, Brgy. Captain Joel Perio, G. Ruben L. Riego de Dios at iba pang kasamahan mula sa Caingin.
Hangad po ng ating Punong Bayan ang ligtas ninyong paglalakbay sa mas higit na matibay at mas ligtas na hanging bridge.

Gallery