Mayor's Message

TREE PLANTING

Written by Maragondon on .

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon noong ika-19 ng Agosto 2014 sa Bonifacio Shrine and Eco-Tourism Park Mt. Nagpatong Pinagsanhan B, Maragondon Cavite.

 

Nakiisa sa programa ang Shoreline Kabalikat sa Kaunalaran, Inc. ,estudyante mula sa Japanese Nihon University, piling guro at mag-aaral ng Bucal National High School, 4P’s beneficiaries mula Pinagsanhan, Maragondon PNP, at mga kawani mula sa MENRO ng Naic, Cavite. Nakipagtulungan din ang mga kaibigan nating Pastor na sina Pastor Bernie Ilagan at Pastor Caloy Cayme.
Sumuporta din sa tree planting ang mga Barangay Chairman mula sa iba’t-ibang barangay sa pangunguna ni ABC Pres. Alberto C. Malimban. Kabilang sa mga dumalo sina Kap Manuel Gloriani(Pantihan 3), Kap Itoy Rillo(Poblacion 1-B), Kap Jojo Dinco(Poblacion 1-A),Kap Bobet Angeo(Poblacion 2-A), Kap Trojan Eseque(Bucal 1),Kap Ador Pescasio(Bucal 3-A), Kap Rod Anglo(Bucal 3-B), Kap Loloy Diño(Bucal 4-A), Kap Aning Casajeros(Tulay A),Kap Uwel Angat(Tulay B), Kap Jovenal Umandal(Pinagsanhan A), Kap Alvin Abayon(Pinagsanhan B), Kap Joel Perio(Caingin), Kap Nickson Manalang(San Miguel A) at Kap Edeck Diño(San Miguel B).

Nagkaroon ng maikling programa bago nasimulan ang pagtatanim. “Hindi lang po puno ang ating itatanim kundi itatanim din po natin ang pag-asa ng mas magandang bukas para sa susunod na henerasyon”, wika ni Mayor Rey A. Rillo sa kanyang mensahe.
May 400 na iba’t-ibang uri ng puno ang matagumpay na naitanim sa paligid ng Bonifacio Shrine. Lubos ang kasiyahan ng lahat ng nagsidalo dahil batid ng bawat isa ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno.

Gallery