SUPORTA SA PWD’s
Namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Maragondon ng wheelchairs, walker at crutches(saklay) sa mga kababayan nating may kapansanan kaninang umaga kaalinsabay ng Flag Raising ng munisipyo.
Pinangunahan nina Mayor Rey A. Rillo at G. Jorwin B. Bautista(President, Federation of Person with Disabilities-Cavite) ang pamamahagi ng mga kagamitan. Ang mga wheelchair ay binili gamit ang pondo ng munisipyo sa Person with Disability(PWD) Program. Ang walker at saklay ay ipanagkaloob naman ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Kabilang sa mga nakatanggap ng wheelchair sina Gliceria Omandac(Poblacion 1A), Trinidad Diño(Bucal 4), Benita Evangelista(Bucal 4), Jerickzel Gordula(Poblacion 2A), Estelita Villanueva(Bucal 4) at Consuelo Rillo(San Miguel A). Sina Bernarda Bergunio(Bucal 4B) at Valeria Maligalig(Tulay B) ang napagkalooban ng walker. Ang dalawang saklay ay tinanggap naman nina Naome Dinglasan(San Miguel A) at Marciana Cabingan(Talipusngo).
Sa kanyang mensahe, binigyan ng importansya ni G. Bautista ang lahat ng pribilehiyo na dapat matanggap ng mga taong may kapansanan. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Rillo sa positibong pagtugon ng Provincial Government sa mga proyekto ng Bayan ng Maragondon.
Ang mga biyayang natanggap ng ating mga kababayan ay simula pa lamang ng pinaigting na serbisyo publiko ng ating Punong Bayan sa tulong ng ating masipag at maaasahang Municipal Social Welfare and Development Officer, Adelaida P. Profeta.